
Babala: ANG ACCOUNT NA ITO AY ANG ISA SA MGA NATATANGING KOMIKO NG ISANG PERSONALIDAD NA SERYOSO RIN NAMAN PAMINSAN-MINSAN. Pwedeng tawanan, pwedeng kabisaduhin, pwedeng isabuhay, pero please don’t try this at home. Nagbabasa ka lang ‘te! At ang mga susunod na mga salita ay Rated SPG. In taglish.
36-34-36, size 5!!!
Isang kakapirasong Pinay, kalahating alien. Anak ni Oey at ni Anet-kapatid ni Bajoy. Ninong ko daw si Rene Requiestas. Lilingon sa mga pangalang Jennifer, Jenny, Dianne, Fuente, Bata, Ate at Simcard. Minsan join force ang Ate Simcard.
Ang paborito kong kulay ay Pula, kaya madalas kong suotin ang puti kong sapatos. Mayroon akong pulang gitara, pulang bistida at pulang dugo. Madalas akong mag-isa, lalo na kapag walang kasama. Mahilig akong maglakad kahit wala naman talaga akong pupuntahan. Kaya madalas ay nauuwi ako sa ukay-ukayan. Minsan trip ko din mag-jeep, kahit siksikan pa. Minsan ‘pag sweldo, nagtataxi ako. At pag maswerte, nakiki-hitch ako sa kotse. Wala pang five minutes matapos kong sumakay, tulog na ako. At after 10 seconds, tumutulo na ang laway ko. Ganun talaga ang buhay e, minsan tiyaga-tiyaga. Minsan gamitan.
36 ang favorite kong sabihin na number at pang-36 na ‘tong linya.
Kapag nasa McDonald’s ako kasama ang matatalik kong kaibigan, kumakain kami kasabay ang McKwentuhan tungkol sa Pilipinas at sa gobyerno. At kung nakita mo akong mag-isa sa McDo, nakayuko? Yoon ay dahil nag-iisip akong mabuti kung paano ko iinumin ang Coke Float kong may ketchup. Nakapagbaon na ako ng isang pares ng medyas sa ilalim ng lupa(tip para sa mga gustong magtreasure hunting). Gutom ako sa atensiyon, pero ang katawan ko mismo ang magsasabing hindi rin naman ako palakain.
Marunong akong magpiano, maggitara, kumanta, sumayaw, magpinta, magsky diving at magsinungaling kapag gusto kong magpasikat. Hindi ako honor student at lalong hindi ako matalino pero marunong akong magsulat at lalong marunong akong magbasa. Isa akong manunulat, minsan sa punit na intermediate paper, minsan sa likod ng Chemistry book sa tabi ng FLAMES result namin ni <insert name>, at minsan sa upuan sa school.
Mayroon akong tattoo sa katawan, medyo mahirap siya hanapin kapag sa mukha ko ikaw nakatingin. Oo, burdado ako at nagsisiga-sigaan. Komportable ako sa aking sarili, kaya panay ang pakuha ko ng litrato. Minsan pinangarap ko ding maging photographer, pero dahil overrated na, assistant photographer na lang siguro pagtatrabahuan ko.
Madami akong alam at nagmamarunong ako, pero minsan pag traffic e pumepreno din ako. Panget ako nung High School ako, pero ngayon, medyo panget pa rin naman. Minsan, nagmamaganda lang talaga. Mataas ang pangarap ko, basta hindi ko pa naaabot. Marunong akong magbilang, marunong akong kumanta at marunong akong tumigil.
All in all, ako po ay maganda, sexy, matalino at higit sa lahat ay mapagkumbaba. Minsan perfect, minsan 20/30 lang. Tao, may kamay, may paa, at walang bulsa. Best in Filipino, worst in English & an early bird. Bow.
PERSONAL INFORMATION
Name. Jennifer Dianne Fuentecilla
Nickname. Jen, Jenny, Fuente, Ganda
Gender. Please shade the part of the spectrum indicating your gender as of the press time. (Note: The gender may change without prior notice.)

Romantic Status. Nasaan ka ngayon sa mapa ng pagnanasa? Mark your location with an X.

(Note: Romantic status may change without prior notice. For further inquiries and faster updates, please check his/her facebook status.)
Location. Quezon City, Philippines
Twitter. @diannemagiliw
Email Address. fuenteee@yahoo.com
Birthday. 18 January
Age. 22 years old
School. AMA Pasig
Course. IT Management
Anong gusto mo maging paglaki mo? Teacher
E ano ka na ba ngayon? Teacher-teacheran
●Masaya ○Hindi ○:|
Favorite Color (Shade me.)
○Pokpok Red
○Menstruation Red
○Lumot Green
○MMDA Pink
○Utong Pink
○Saudi Gold
○Labang Tide White
●Haciendero White
○Others (Please specify.) __________
Favorite Food (Shade me.)
○tap-si-log
○long-si-log
○hot-si-log
○spaghetti-log
○Others (Please specify.) extra-rice-log
Favorite Movie. Shawshank Redemption
Synopsis. Kung papaano tumakas sa kulungan Ops, time’s up.
Favorite Actor/Actress. ●actor ○actress
Favorite Eheads Song. ○Kisapmata ●Others (Please don’t specify.)
Favorite Eraserheads. NA
Favorite Spice Girls. Victoria Beckham
Favorite Toe. (Please enncircle your chosen toe.)

Why? Maliit eh
What is your motto?
○”Silence means yes.”
○”Full the string to stuff”
●”It’s not you, it’s me.”
○Others, please specify __________
Who are your friends? (If Any.) __________
Who are your true friends? (If Any.) Nerissa, George, Paul, Chiqui, Tin, Ely, Dadi Pat, Chi
○Wala na talaga :(
Do you have a best friend? ●Y ○N Why? __________
MAS PERSONAL INFORMATION
Describe yourself.
○Maganda/pogi pero tanga
○Matalino pero pangit
○Maganda/pogi at matalino pero sinungaling
○Tanga na, pangit pa
○Tanga na, pangit pa, pero honest
○Tanga na, pangit pa, sinungaling pa
●Others (Please specify.) Pinaka-maganda, pinaka-sexy at pinaka-humble
Most Embarassing Moment.
●Mahal ko siya, kahit ‘di niya ako mahal
○Mahal ko pa rin siya, kahit di na niya ako mahal
○Others (Please specify in 10 words or less without drama.) __________
Happiest Moment.
●May mahal na siyang iba, pero hindi naman siya mahal
Do you believe in love at first sight?
●Yes ○No
Do you believe in life (after love, after love…)?
●Yes ○No
Do you believe the children are our future, teach them well and let them lead the way?
●Yes ○No
Do you believe in dreams? In miracles? That toy balloons can reach and touch the moon?
●Yes ○No
Define Crush.
●Crush is paghanga ○Othes, please specify __________
Who is your crush? David Beckham (Isa lang please, ‘wag masyadong malandi.)
Crush ka rin niya? ○No :( ●Wag kang pakielamera, close ba tayo? Ha?
Define Love.
○God is love, love is God.
○Love is like a rosary, full of mysteries
●I wanna know what love is, I want you to show me
Who is your first love? Marco
First love ka rin niya?
●No :(
○So close na talaga tayo? :s
Who is your second to the last love? NA
Describe Him/her.
○Maganda/pogi pero tanga
○Matalino pero pangit
○Maganda/pogi at matalino pero sinungaling
○Tanga na, pangit pa
○Tanga na, pangit pa, pero honest
●Tanga na, pangit pa, sinungaling pa
○Others (Please specify.) Pinaka-maganda, pinaka-sexy at pinaka-humble
Who is your first kiss?
●Parents Sinungaling
○Yung totoo __________
First kiss ka rin niya?
●Nope
○Naman!
○Yata :/
○Wapakels, basta ansarap!
DEDICATION Please shade desired dedication:
○J.A.P.A.N.
○I.T.A.L.Y.
○F.R.A.N.C.E.
○L.I.B.Y.A.
○Remember M, remember E, put them together, remember ME.
●Please don’t change, but change for the better.
○Others, please specify.
Format Inspired by ©Witty Will Save The World Co.

